Gun ban, bigo kontra sa mga kriminal

Batas

INSPIRASYON SA BUHAY: “… Magpakumbaba kayo sa harap ng Panginoon, at kayo ay Kanyang itataas…” (Santiago 4:10, Bibliya).

-ooo-

PROPAGANDA, NAGLILIPARAN SA INTERNET: Kailangan na talaga tayong mag-ingat sa mga nababasa natin mula sa Internet sa ngayon. Marami na kasi sa mga artikulo na inilalabas doon ay mukhang lehitimo at makatotohanan, at maganda at mahusay pa ang pagkakasulat. Pero, marami pala sa mga ito ang kung hindi nanlilinlang lamang ay kasinungalingan sa kabuuan, o di kaya ay masamang propaganda lamang.

Katulad na lamang ng isang artikulong lumabas noong nakaraang linggo sa isang website na nagpapakilang “So, What’s News?”, at nakapatungkol kay Cagayan Rep. Juan Ponce Enrile, ang anak at kapangalan ni Senate President Juan Ponce Enrile.

Ang artikulong ito ay pinamagatang “Jackie Enrile, nag-withdraw ng kandidatura sa Senado. Natakot sa maaaring ilabas ng kanyang ama kung mananalo siya”, at naglalaman ng isang kakatwang ulat na nagsasabing ini-a-atras na nga ni Jackie ang kanyang kandidatura dahil sa naging ugali ng kanyang ama na kinukuwenta ang mga naging gastusin noong lumalaki si Jackie, at inilalagay pa daw sa isang brown envelope ang mga resibo ng mga gastusing ito.

Agad ay naisip kong kalokohan lamang ang artikulo, at, totoo nga, itinanggi kaagad ni Jackie ang balita, at sinabing di totoong iniuurong na nga niya ang pagtakbo niya bilang senador. Dahil diyan, tiningnan ko ulit ang website na naglabas ng artikulo at Noon ko lamang napansin na nakasulat pala doon, sa isang maliit na bahagi, ang mga salitang “satirical and fictional”, na ang ibig sabihin ay di talaga totoo ang mga artikulo doon. Naku naman, papaano naman yung hindi na nagdalawang isip matapos iyong basahin?

-ooo-

TANONG SA CBCP AGENDA: Maaari bang magpaliwanag ang Catholic Bishops Conference of the Philippines (CBCP) kung bakit, sa dinami-dami ng mga itinakda nitong tatalakayin sa kanyang tatlong araw na “semi-annual plenary assembly” sa Pope Pius XII Center sa Manila, walang ukol sa pagpapalago sa kaalaman sa Bibliya at pagsunod sa mga utos ng Diyos sa mga Katoliko? Ito kasi ang mga kailangan sa ngayon—kaalaman at pagsunod sa Salita ng Diyos—upang makamtan nating lahat ang pagpapala ng Panginoon.

-ooo-

GUN BAN, BIGO KONTRA SA MGA KRIMINAL: Lumilitaw na ang mga pinaka-matitinding argumento laban sa umiiral na gun ban ng Commission on Elections para sa 2013 elections ay ang pamamaril ng isang banyaga sa Cebu City, ang SM Mandaluyong City robbery, at ang La Castellana, Negros Occidental ambush kung saan siyam katao ang namatay, kabilang na ang isang opisyal ng puliysa at ilang pulis-barangay.

Kung layunin ng gun ban na pigilan ang paggamit ng mga di-lisensiyadong baril, maliwanag na ito ay nabigo ng todo, sapagkat patuloy na napapatay, nasusugatan at nate-terrorize ang sambayanan. Tunay nga, kung tanging mga lisensiyadong may-ari ng baril lamang ang napapagbawalang magdala ng baril pero ang mga kriminal ay malayang nakakagamit ng armas, ano ang buting dulot ng gun ban? O, ang gun ban ay para lamang sa mga lisensiyadong baril?

-ooo-

BAKIT SI MITOS ANG NAGREREKLAMO? Bakit kaya itong si Zambales Representative at United Nationalist Alliance (UNA) senatorial candidate Mitos Magsaysay ang nagre-react sa polisiya ng “Team of Pinoys” ng Liberal Party na nagbabawal sa mga kandidato ng Team na kandidato din ng UNA na sumasama sa pangangampanya ng UNA? Hindi naman apektado si Mitos ng nasabing polisiya ng LP, kasi di naman siya common candidate. Tapos, di naman nagrereklamo ang mga apektadong common candidates. Bakit si Mitos ang nagsasalita?

-ooo-

MGA TANONG NI MELO ACUNA RE: SM ROBBERY: Mga tanong ni journalist-broadcaster Melo Acuna: “Sa nakawan sa SM Mega Mall noong isang gabi, may mga tanong na di masagot: 1. Ano ba ang ginawa ng mga security guards na nakaposte sa mga entrance doors ng mall at nagsasagawa ng body and bag check gamit ang chopsticks? 2. Papaanong nakapapasok ang baril sa Megal Mall? Di ba maaaring maglagay ng mas maraming pulis at mga nakasibilyang mga opisyales sa mga malls?” May sagot po ba kayo, SM Megamall?

-ooo-

REAKSIYON? Tawag po sa 0917 984 24 68, 0918 574 0193, 0922 833 43 96. Email: [email protected], or [email protected]

Login

Welcome! Login in to your account

Remember me Lost your password?

Lost Password